^

Probinsiya

35 bahay winasak sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines  —  Humigit sa 150 katao ang nawalan ng tahanan matapos gibain ang 35 na kabahayan sa Brgy. Rapuli, Sta. Ana, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Jing Babas Collado, 29, residente ng Sitio Racat, Brgy. Rapuli sa nasabing bayan, nagulat na lamang umano sila nang sumugod ang mahigit sa 100 miyembro ng demolition team na kinabibilangan ng mga pulis, Marines at mga laborers na gumiba sa mga kabahayan nitong Lunes ng umaga nang walang hawak na demolition order mula sa korte.

“Mahigit sa 35-taon nang na­ka­tira ang aming mga magu­lang dito at ang lupain na ito ay minana sa aming mga ni­nu­­no, kung bakit bigla kaming pinapaalis sa marahas na paraan,” pa­ha­yag ni Collado sa PSN.

Sinabi pa ni Collado na nakasuot ng mask ang mga nagpakilalang Sheriff at Commission on Human Rights (CHR) na nagsasabi umano na ang nasabing lupa na nasa tabi ng dagat ay pag-aari umano ng isang Engr. Rogelio Urbino mula sa bayan ng Gonzaga.

Nagtayo ng tent ang mga residente sa tabi ng kanilang mga nawasak na mga tahanan para may masilungan. 

vuukle comment

HOUSE DESTROYED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with