^

Probinsiya

P257-million ‘floating cocaine’ nalambat

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
P257-million �floating cocaine� nalambat
Sinusuri ng mga otoridad ang nalambat na 40 bloke ng cocaine ng mga mangingisda sa karagatan ng Burgos, Surigao del Norte kamakalawa ng hapon. Tumataginting na P257.4-M ang halaga ng narekober na kotrabando.
(Photo courtesy of PNP Caraga)

MANILA, Philippines — Umabot sa 40 bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng higit sa P257-M ang narekober ng mga otoridad matapos malambat ng mga mangingisda sa karagatan ng Burgos, Surigao del Norte kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni CARAGA Police Director Police Brig. Gen. Gilbert Cruz, dakong alas-4:30 ng hapon nang madiskubre ang palutang-lutang na mga kahon na pinaglalagyan ng mga kontrabando na aabot sa 40 bloke ng mga mangingisdang sina Alvin Dumanjog, Rodolfo Romeo at iba pa sa karagatan ng bayan ng Burgos.

Ayon sa opisyal, ang narekober na bloke-bloke ng droga ay tumitimbang ng 48.575 kilo at may kabuuang halaga na P257.4-milyon.

Sinabi ni Cruz na ang mga narekober na bloke ng cocaine ay nasa kustodya na ng pulisya at nakatakdang suriin sa Provincial Crime Laboratory Office ng Police Regional Office (CARAGA Region) 13.

Samantalang may markings din ang mga kartong pinaglalagyan ng mga ito na “3 B” Bugatti.

Una nang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde base sa report ng kanilang mga dayuhang counterparts na hindi sa bansa ibebenta ang nasabing bloke-bloke ng cocaine na ide-deliver ng sindikato ng droga sa Papua New Guinea.

Pinaniniwalaan naman na Colombian drug cartel ang nasa likod ng mga narekober na cocaine.

vuukle comment

COCAINE

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with