^

Probinsiya

Anak ng ex-vice mayor sugatan sa ambush

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PANDI, Bulacan  , Philippines  —  Tinambangan at pinagbabaril ng tatlong ‘di pa nakikilalang lalaki ang sinasakyang SUV ng panganay na anak na dalaga ng dating vice mayor ng Pandi habang pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Bunsuran 1st ng nasabing bayan kamakalawa ng hapon.

Bagama’t nagtamo ng mga tama ng bala, ligtas na sa panganib, ayon sa mga doktor, ang biktima na nakilalang si Pamela Marquez, 22, ng Brgy. Manatal, Pandi, Bulacan at panganay na anak ni dating Pandi Vice Mayor Oca Marquez at pamangkin naman ni Pandi Mayor Tinoy Marquez.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima mula sa cal. 45 revolver.

Ayon kay P/Major Avelino Protacio, acting chief of police ng Pandi, dakong alas-4:40 ng hapon habang papauwi na ang biktima kasama ang kanyang pinsan sakay ng isang Fortuner nang bigla na lamang pagbabarilin ng tatlong ‘di pa nakikilalang suspek sakay ng isang Rouser na motorsiklo sa tapat ng 168 Hardware sa nasabing barangay.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa Balagtas, Bulacan.

vuukle comment

AMBUSH

OCA MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with