^

Probinsiya

Top aide ng pinaslang na Tanauan mayor, 1 pa dinukot

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Top aide ng pinaslang na Tanauan mayor, 1 pa dinukot
Sa pinadalang report mula sa Camp Vicente Lim, kinilala ang mga biktimang sina Allan Lumbres Fajardo, pinuno ng nasabing grupo at da­ting aide ng napaslang na dating Tanauan City mayor Antonio Halili, at kasama nitong si Ricky Atienza.

MANILA, Philippines — Dinukot ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang dating pinuno ng Mayor’s Anti-Crime Group (MAC) ng Tanauan City at isang kasama nito habang nasa loob ng isang restaurant sa Nuvali, Sta Rosa City, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Sa pinadalang report mula sa Camp Vicente Lim, kinilala ang mga biktimang sina Allan Lumbres Fajardo, pinuno ng nasabing grupo at da­ting aide ng napaslang na dating Tanauan City mayor Antonio Halili, at kasama nitong si Ricky Atienza.

Ayon sa report, nasa loob ng Misto Restaurant sa SEDA Hotel sa nasabing lugar nang pumasok ang mga ‘di pa kilalang mga suspek at puwersahang dinukot ang dalawa bandang alas-7:51 ng gabi

Batay sa mga saksi, isinakay ng mga suspek ang dalawang biktima sa kulay puting van bago sumibat patungo sa ‘di pa malamang direksyon

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa nasabing pagdukot

Naging kontrobersyal ang MAC group noong panahon ni Mayor Halili dahil ginagamit umano ito para mang-aresto ng mga suspek na isasai­lalim sa “Walk of Shame” ng alkalde

Nilusob din ng mga otoridad ang bahay ni Fajardo noong nakaraang taon dahil umano sa mga ‘di lisensyadong baril pero naabswelto rin ito matapos makapagpakita ng mga dokumento.

vuukle comment

TANAUAN CITY CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with