^

Probinsiya

Groom-to-be inutas, bride grabe!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Groom-to-be inutas, bride grabe!
Kinilala ng Ballesteros Police ang nasawing groom-to-be na si Mark Alvin Sison, 34, ng Brgy. Sta. Cruz habang ang kanyang mapapangasawa na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay si Olivia Turingan, 30, isa ring guro at residente ng Brgy. Fugu; kapwa sa nasabing bayan.

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang isang guro na lalaki habang kritikal ang kasintahan nito matapos silang paulanan ng bala ng kanilang dalawang kapitbahay habang naghahanda sa kanilang nalalapit na kasal sa Brgy. Fugu, Ballesteros, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng Ballesteros Police ang nasawing groom-to-be na si Mark Alvin Sison, 34, ng Brgy. Sta. Cruz habang ang kanyang mapapangasawa na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay si Olivia Turingan, 30, isa ring guro at residente ng Brgy. Fugu; kapwa sa nasabing bayan.

Nakilala naman ang mga suspek na sina Longfelo Duyan, 36, at Arnold Ubarre, 37.

Sa ulat ni P/SMSgt. Jacob Malanang, dakong alas-5:30 ng hapon habang inihahanda ng magkasintahan ang kanilang wedding invitations sa loob ng tahanan ng bride-to-be na si Olivia nang bigla silang paulanan ng bala ng dalawang suspek mula sa nakabukas na bintana ng tahanan.

 Agad na isinugod sa Ballesteros District Hospital ang magkasintahan subalit idi­neklarang dead-on-arrival si Sison habang si Olivia ay inilipat sa Far North General Hospital dahil sa kritikal na kalagayan.

Ilang oras bago ang krimen, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang suspek at ama ni Olivia na si Hinel Turi­ngan na humantong sa mainit na pagtatalo na siyang sinisilip na motibo sa krimen.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakip si Duyan habang pinaghahanap pa ang tumakas na si Ubarre.

vuukle comment

CAGAYAN CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with