^

Probinsiya

Sekyu ng subdibisyon utas sa 2 kawatan

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Isang security guard ng isang subdibisyon ang nasawi matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na pinaniniwalaang magnanakaw sa Tuguegarao City, Cagayan, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng Tugue­garao City Police ang biktima na si Benedict Adviento, 40, nakatalagang guwardya sa Airlandia Home Subdivision at residente ng Panacal Village, Tanza, Tuguegarao City.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ruben Fernando, dakong ala-1:46 ng madaling araw nang makita ng biktima sa CCTV ang dalawang lalaki na may kahina-hinalang kilos sa harapan ng isang gusali sa binabantayang subdibisyon. Umakyat umano ang dalawang suspek sa pader para makapasok sa subdibisyon. Dahil dito, agad niyang nilapitan ang dalawang lalaki para sana sitahin subalit bigla umano siyang pagbabarilin ng isa sa mga suspek.

Isinugod ang biktima sa Saint Paul Hospital sa Ugac Sur subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo mula sa isang cal. 45.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with