^

Probinsiya

Katiwala sa plantasyon itinumba

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela   , Philippines  —  Isang manggagawa na katiwala sa isang taniman ng kahoy ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Baggao, Cagayan kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Gaby Agunoy, 34, ng Brgy. Manalo, Amulung, Cagayan na nagtamo ng anim na tama ng cal. 40 sa katawan.

Sa ulat ni P/SSgt. Antonio Padua, dakong alas-11:30 habang sakay sa XRM 125 ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek sa isang rubber tree plantation sa Zone 7, Barangay Mabini.

Agad na tinungo ni Ernesto Baliling, manggagawa ng plantasyon kasama ang kanilang sekyu ang lugar kung saan narinig ang putok ng baril at dito naabutan ang nakahandusay na biktima habang ang mga kagamitan nito ay nasusunog. Napag-alaman ng pulisya na may dala umanong mahigit P80,000 cash ang biktima para sana umano sa sahod ng mga trabahador ng plantasyon.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with