^

Probinsiya

Cavite drug bust: 2 patay

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Cavite drug bust: 2 patay

MANILA, Philippines — Dalawang suspek sa pagtutulak ng shabu na kapwa nasa drug watchlist ang napatay ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Dasmariñas at Cavite City kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang mga napatay sa operasyon na umano’y parehong nanlaban sa isinagawang buy-bust ng pulisya na sina Asnawe Bayabao,  nasa hustong gulang,  ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City at Jervie Ignacio, 33-anyos, ng 503 Soriano St., Brgy. 24, Cavite City. 

Sa panayam kina P/Supt. Nerwin Ricohermoso ng Dasmariñas City Police at P/Supt. Francisco Lucena, hepe ng Cavite City Police, sa pagitan ng alas-10:00 at alas-11:00 ng gabi nang kanilang ikasa ang drug-bust sa mga target na suspek sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas at buy-bust naman sa Brgy. 48-A naman sa Cavite City, kapwa may mga tumayong police buyer na nakipag-transact sa mga suspek.

Ayon sa pulisya,  parehong nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal kung kaya pumalag na nauwi sa habulan at engkuwentro. 

Minuto ang lumipas,  kapwa duguang bumulagta ang mga suspek. 

vuukle comment

DRUG WATCHLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with