^

Probinsiya

Rider patay sa kasalubong na bus

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Nabasag ang bungo at namatay noon din ang isang rider makaraang banggain ang kanyang minamanehong tricycle ng kasalubong na passenger bus sa Maharlika highway, Barangay Balubal, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kerwin Da­yanan, may sapat na taong gulang ng nasabing barangay habang nasa kustodya ngayon ng Sariaya PNP ang tsuper ng Raymond Passenger Bus na si Marcial Moral.

Batay sa imbestigasyon, bandang ala 1:30 ng madaling araw ay pauwi na sa kanilang bahay ang biktima nang tumbukin itong banggain ng Manila bound na bus.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ng may ilang metro ang biktima at una ang ulong bumagok sa sementadong kalye.

 

vuukle comment

SARIAYA QUEZON ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with