^

Probinsiya

Mag-live-in tiklo sa P.1-M shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCBAN, Quezon , Philippines  —  Swak sa kulungan ang mag-live-in partner nang masakote sa isang drug-bust operation ng mga otoridad at makumpiskahan ng halos nasa P100,000.00 halaga ng shabu sa Brgy. 6, sa bayang ito. Ang magdyowang suspek ay sina Gerardo Agcaoili, 48, dati nang nakulong sa kasong may kaugnayan sa droga subalit nakalaya noong October 2018 dahil sa plea bargaining at residente ng Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City at Shiela Almariego, 28-taong gulang. Sa ulat ng pulisya, isinagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-7:30 ng gabi sa mismong inuupahang apartment ng mga ito sa Banahaw Compound, sa nasabing barangay.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng mga suspek sa kabuuan ang 23 piraso ng heat sealed plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 45.67 gramo na tinatayang aabot sa P100,000.00 ang halaga, P1,000 na marked money at isang motorsiklo.

vuukle comment

DRUG-BUST OPERATION

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with