^

Probinsiya

Holdaper tumba sa fruit stand ng parak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isa sa dalawang holdaper habang nakatakas ang kasapakat nito nang makipag­palitan ng putok nang hol­dapin ang isang tindahan ng prutas na pagma­may-ari ng isang pulis sa Brgy. Busilac sa bayan ng Bayom­bong, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, kaha­pon ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang holdapin ng mga suspek na nagpanggap na mga kostumer ang Bueno’s fruit stand matapos tutukan ng baril ang tinderang si  Flordeliza Manuel.

Nanginginig man ay nagawa ng saleslady na tumakbo sa loob ng bahay kung saan nagpasaklolo sa may-ari ng tindahan na si Police Senior Master Sergeant Rey Sixto Bueno, 41, nakadestino sa Regional Intelligence Unit ng PNP Cagayan Valley at residente ng nasabing lugar.

Sinundan naman siya ng isa sa mga suspek at agad na pinagbabaril ang pulis nang makita sa loob ng bahay.

Nauna man na nasuga­tan ang pulis ay nagawa pa rin nitong gumanti ng putok ng baril hangang sa tumakbo ang dalawang suspek.

Nang sundan umano ang mga suspek ay naki­tang tumumba ang isa sa kanila sa harapan ng kanyang tindahan matapos mapuruhan sa dibdib.

Agad naman na tuma­wag ng saklolo sa Bayombong PNP ang biktima at agad siyang isinugod sa Regional Trauma and Medical Center matapos tamaan sa kanyang braso.

Nakuha sa nasawing sus­pek na ‘di pa tukoy ang pag­kakakilanlan ang isang cal.45 habang ang isa pang kasamahan nito ay tuluyang nakatakas.

vuukle comment

HOLDAPER ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with