^

Probinsiya

1 utas, 12 arestado sa buy-bust

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Malolos City, Bulacan, Philippines — Isang pinaghihinalaang drug pusher ang napatay ng mga otoridad samantalang 12 iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation kamakalawa rito.

Kinilala ni P/Sr. Supt Chito Bersaluna ang napatay na suspek na si Alex Cortez, 36, ng Brgy. Sabang, Baliwag, Bulacan.

Sa inisyal na ulat ni P/Supt. Voltaire Rivera, Hepe ng Baliwag Police, dakong ala-1:15 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang operatiba ng Baliwag Police sa Brgy. Tarcan nang mapansin ng suspek na may mga pulis na papalapit sa kanyang direksyon matapos ang bentahan ng droga. Sa halip na sumuko, nagbunot umano si Cortez ng baril at pinaputukan ang mga papalapit na pulis kung kaya gumanti ng putok ang mga otoridad na siyang ikinamatay ng nasabing suspek.

Narekober sa lugar ang isang cal. 38 Smith and Wesson revolver, tatlong basyo mula sa cal .38, tatlong basyo mula sa cal 9mm, tatlong heat sealed plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Samantala, naaresto ng mga otoridad sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa bayan ng Balagtas, Santa Maria, Plaridel, Pandi at Baliwag sina Hector Fuentes, 49; Benedict dela Cruz, 20; Elizalde Cruz, 38; Jomar Martin, 27; Jennifer Martin, 32; Monica Magdaong, 43; Sandy dela Cruz, 42; Sixto Cabatin, 44; Joshua Campo, 19; Marboy Babael, 19; Mark Jake Ocampo, 29 at isang 16-anyos na menor-de-edad.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with