^

Probinsiya

3 utas, 5 sugatan sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
3 utas, 5 sugatan sa road mishap

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang mag-asawa at 5 ang nasugatan sa magkahiwalay na road accident sa lalawigan ng Isabela.

Sa bayan ng Ramon, nasawi ang mag-asawang Romeo Vicarme, 33 at misis na si Tasing, 33 habang malubha ang anak nilang si Althea, 8 nang salpukin ng Starex van ang kanilang tricycle kamakalawa ng alas-6:00 ng gabi sa Brgy. Raniag ng nasabing bayan.

Sa report, palabas mula sa isang eskinita ang traysikel na minamaneho ni Vicarme nang salpukin sila ng van na minamaneho ni Ruben Abrenica.

Samantala, dalawang motorsiklo ang nagsal­pukan na ikinasawi ng 29-anyos na sales supervisor na si Robert John Orias sa highway ng Brgy. Taringsing Cordon, Isabela kahapon ng ala-1:20 ng madaling araw.

Sa report ng pulisya, magkasalungat na direksiyon ang binabagtas nina Noel Gragasin 25 at Orias nang magsalpukan sila at kapwa tumilapon pati angkas ni Gragasin na sina Marilyn Valdez, 21 at Miriam Miranda, 20.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with