^

Probinsiya

Amok: Trader patay, pinsan kritikal

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Amok: Trader patay, pinsan kritikal

TALAVERA, Nueva Ecija  , Philippines  —  Patay ang isang 47-anyos na negosyante habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang pinsan makaraan silang pagtatagain ng isang nag-amok na lalaki sa Brgy. Dimasalang Sur sa ba­yang ito noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Agustin, 47, may-asawa, may-ari ng sari-sari store ng nasabing barangay na nagtamo ng matitinding pinsala sa ulo at katawan habang inoobserbahan sa Talavera General Hospital ang pinsan na si June Fernando, 52-anyos, may-asawa, isang tricycle driver.

Samantala, naaresto ilang oras matapos ang insidente ang suspek na si Carmelo Dela Cruz, 64, binata, walang trabaho ng nasabi ring barangay at narekober sa kanya ang ginamit nitong itak.

Bandang alas-3:30 ng hapon habang nagkukuwentuhan umano ang magpinsang biktima nang biglang pumasok sa kanilang compound ang nagwawalang suspek na may dalang itak. 

Tinangka nilang pakal­mahin ang suspek ngunit lalong naghurumentado hanggang sa pagtatagain ang mga biktima saka agad na tumakas.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with