^

Probinsiya

P.3-M shabu nasamsam sa buy-bust

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Muli na namang natimbog at nasamsaman ng mahigit P.3-milyong halaga ng shabu at mga armas ang isang dating drug detainee sa isinagawang buy-bust operation ng Bacoor City Police sa Brgy. Longos, Zapote 5 kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang suspek na si Arnold Sumacot,  43-anyos, nasa drug watchlist ng pulisya at  residente ng nasabing lugar.  

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi nang ikasa ang buy-bust laban kay Sumacot kung saan isang pulis ang tumayong buyer ng droga. Nang magkapalitan ng droga at buy-bust money, dito na dinakma ng mga pulis ang suspek.

Narekober sa suspek ang 15 plastic sachet ng shabu na nasa 45.5 gramo at nagkakahalaga ng P309,400. Nakuha rin sa suspek ang isang timbangan, 7 bala ng shotgun, isang improvised shotgun, isang  9mm Glock 17 at magazine nito, isang itim na pouch, isang ca­mouflage na body bag, mga bala ng 9mm at marked money na ginamit sa operasyon. Sa rekord, dati nang nakulong ang suspek sa drug case sa lungsod noong Disyembre 8, 2016 at nakalabas matapos na maglagak ng piyansa. 

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with