^

Probinsiya

Dalagitang binalatan sa Cebu, inilibing na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailibing na kahapon ang 16-anyos na si Christine Lee Silawan, ang dalagitang pinaslang at binalatan pa ang mukha sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Napuno ng emosyon ang Sto. Niño Parish sa Barangay Mactan, Lapu-Lapu City kung saan ginanap ang huling misa para kay Silawan.

Marso 10 nang huling makitang buhay si Christine. Kinabukasan, natagpuan ang bangkay nitong may 30 saksak, binalatan ang mukha hanggang lumitaw ang bungo, at tinanggalan din ng dila at ilang lamanloob at kanang tainga.

Inilibing ang dalagita sa Cordova, Cebu bandang ala-1 ng hapon.

Kaugnay nito, pinalaya na kahapon ang 17-anyos na umano’y dating boyfriend ni Silawan.

Ito’y matapos na mag-isyu ang Lapu-Lapu City Prosecutors Office ng Omnibus motion dahil hindi sumunod sa legal na proseso ang pag-aresto sa suspek na bahagi lamang umano ng pursuit operations ng mga awtoridad sa mga nasa likod ng krimen.

Nilinaw naman ng korte na hindi nangangahulugan na ang pagpapalaya sa suspek ay walang matibay na ebidensya laban dito. Hindi lamang anya nasunod ang tamang proseso ng pag-aresto sa binatilyo.

vuukle comment

CHRISTINE LEE SILAWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with