^

Probinsiya

Nanakit ng kapitbahay, tinadtad

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Nagmistulang kinatay na hayop ang isang matandang binata makaraang pagtatagain ng kapitbahay na kanyang sinaktan habang natutulog sa Sitio Maligaya, Brgy. Montecillo kamakalawa ng hapon. Ang biktima na nagtamo ng limang malalalim na taga sa dibdib ay kinilalang si Andres Fabre, 56, samantalang tinutugis ang tumakas na suspek na si Renato Lubrica, 57, magsasaka.  Ayon sa pulisya, dakong ala-1:15 ng hapon ay natutulog sa loob ng bahay ng kanyang anak na babae ang suspek nang dumating ang senglot na biktima at walang sabi-sabing hinataw ng pala sa mukha ang una.  Sa galit ng suspek ay nagtungo sa nakahimpil na tricycle sa labas ng bahay at kinuha ang isang gulok saka pinagtataga ang biktima at mabilis na tumakas.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with