^

Probinsiya

Van sumirko sa NLEX: 6 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi habang 9 pa ang nasugatan makaraang pumutok ang gulong ng sinasakyan nilang van at gumulong habang buma­bagtas sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Apalit, Pampanga kahapon ng hapon.

Sa pinakahuling up­date, sinabi ni Toll Regulatory Board (TRB) Spokesperson Alberto Suansing na pawang dead-on-the-spot ang anim na sakay ng van sa malagim na trahedya.

Sa inisyal na ulat mula kay Apalit Police Officer-in-Charge (OIC) P/Colonel Elmer Decena, bandang alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng NLEX sa bahagi ng Brgy. Tabuyoc.

Sumabog ang kaliwang gulong na sinasakyan ng mga biktima na isang Hyundai H 100 semi van sa northbound lane  ng NLEX sa nasabing lugar.

Sinabi ng opisyal na nasa 15 katao ang lulan ng van na karamihan ay mga overseas Filipino workers (OFWs) at patungong Clark International Airport sa Pampanga upang habulin ang flight ng kanilang eroplano palabas ng bansa.

Sa lakas ng pagsalpok ng behikulo, gumulong ito at sumalpok sa NLEX viaduct. Mas­yadong matulin ang takbo ng van kung saan humagis sa residential area ang mga biktima na ikinasawi ng anim katao. Nagkalat din ang mga maleta at mga gamit ng mga paalis sa OFWs.

Ayon naman kay Police Regional Office (PRO) 3 Spokesman Police Colonel Fe Greñas, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakaki­lanlan ng mga nasawi at sugatang biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with