^

Probinsiya

Mansion ni ex-Gov Ampatuan ni-raid

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mansion ni ex-Gov Ampatuan ni-raid
Sa report ni Maguindanao Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Ronald Briones dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang isagawa ng mga operatiba ang raid sa mansion ni Ampatuan sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10591 (Illegal Posession of Firearms and Ammuniton) at Republic Act No. 9516 (Illegal Posession of explosives).

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga otoridad ang mansion ng namayapa nang si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., isa sa mastermind sa karumaldumal na Maguindanao massacre  noong Nobyembre 2009 na ikinasawi  ng 57 katao kabilang ang 32 mediamen.

Sa report ni Maguindanao Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Ronald Briones dakong alas-6:00 ng umaga kahapon nang isagawa ng mga operatiba ang raid sa mansion ni Ampatuan sa Brgy. Satan, Shariff Aguak, Maguindanao sa bisa  ng search warrant na inisyu ng korte kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10591 (Illegal Posession of Firearms and Ammuniton) at Republic Act No. 9516 (Illegal Posession of explosives).

Nakumpiska sa raid ang dalawang rifle grenade projectiles at 240 rounds ng mga bala ng 5.56 na gamit sa M16 rifles.

Hindi naabutan sa lugar ang anim na suspek na nasa search warrants nang isagawa ang raid sa bahay ng dating gobernador na sina  Kamsa Salik, Kur­yano Usop, Babai Mama Usop, Nasri Salik, Benjar Salik at Pangandaman Salik.

Magugunita na si Ampatuan ay namatay sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City matapos itong atakehin sa puso habang nasa piitan.

vuukle comment

ANDAL AMPATUAN SR.

MAGUINDANAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with