^

Probinsiya

Army captain inaresto sa kampo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Army captain inaresto sa kampo
Kinilala ni Isabela P/Director Sr. Supt. Mariano Rodriguez ang inarestong Army official na Capt. Yashica Calunsag, nakatalaga sa 5th Army Star Division.
File Photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dinampot ng pulisya ang isang kapitan ng Philippine Army na akusado sa isang multi-million peso investment scam na nambiktima ng mga kabaro niyang sundalo at mga pulis nang isilbi ang patong-patong niyang warrant of arrest sa Camp Melchor Dela Cruz sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela kamakalawa. 

Kinilala ni Isabela P/Director Sr. Supt. Mariano Rodriguez ang inarestong Army official na Capt. Yashica Calunsag, nakatalaga sa 5th Army Star Division.

Ayon kay Rodriguez, humaharap sa tatlong kaso ng large scale estafa si Calunsag sa sala nina Presiding Judge Isaac de Alban at Judge Andrew Barcena ng RTC Branch 16 at 17 sa Ilagan City. 

Matatandaan na itinanggi ng SEC noong nakaraang taon na rehistrado sa kanila ang Wahana Credit and Loan Corporation at Wahana Multi-Purpose Bank ni Calunsag na nakabase sa Las Piñas City.

Ayon sa SEC, nakatanggap sila ng impormasyon na ipinauutang ng Wahana ang investment ng mga miyembro nito sa mga manunugal sa casino na may pangakong interes na 12% weekly at 48% monthly na hindi naman naibigay at sa halip ay itinakbo umano ng mga opisyal ng kumpanya ang kinita nito.

vuukle comment

INVESTMENT SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with