Batangas explosion: 2 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang isang paslit ang sugatan matapos ang malakas na pagsabog sa isang subdivision sa Brgy. San Roque, Sto. Tomas, Batangas nitong Lunes.
Kasalukuyan pang beneberipika ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima na kapwa nagkalasug-lasog ang katawan sa insidente. Isa ring bata ang nasugatan na mabilis na isinugod sa pagamutan.
Sa report ni Batangas Provincial Police Office (PPO) Director P/Colonel Edwin Quilates, nangyari ang pagsabog sa isang bahay na ginagamit na pagawaan ng blasting caps at detonators sa Madison Garden Subdivision, Brgy. San Roque bandang alas-11 ng tanghali.
“A loud explosion was heard at the said place. Upon verification it was located inside a fenced concrete located at the farthest end of the subdivision. The site was surrounded by uninhabited houses and vacant lots,” anang opisyal.
Napinsala rin sa insidente ang iba pang mga bahay sa nasabing lugar.
Inihayag ni Quilates na maging ang mga estudyante sa Mother Barbara Micarelli School ay pinauwi sa kanilang mga tahanan bunga ng nangyaring pagsabog.
Related video:
- Latest