^

Probinsiya

78-anyos tepok sa salpok ng motor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Dead-on-arrival ang isang 78-anyos na lolo matapos salpukin ng rumaragasang motorsiklo habang nagtatapon ng basura, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Kaingin, Bacoor, ng lalawigang ito. Ang nasawing matanda ay kinilalang si Jesus Feliciano, residente ng naturang lugar. Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan ang college student na driver ng motor na nakilalang si Kelvin De Jesus, 24, residente ng 556 Unit Jade Villasol Quirino Ave. Tambo, Parañaque City. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang lumabas ng bahay ang matanda upang magtapon ng basura sa garbage bin sa kanilang sidewalk nang  bigla na lamang  itong tumbukin ng isang Honda RS150 (BF 44919) na minamaneho ng nasabing estudyante.

Nabatid na may kabilisan umano ang takbo ng suspek dahilan upang mawalan ito ng kontrol at tuloy-tuloy na sumalpok sa biktima. Kapwa isinugod sa pagamutan ang mga ito subalit idineklarang patay ang matanda habang kasalukuyan pang inoobserbahan ang rider.

vuukle comment

MOTORCYCLE ACCIDENT

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with