^

Probinsiya

NPA camp nakubkob ng militar, marijuana plantation nadiskubre

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakubkob ng mga awtoridad ang isang kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nadiskubre rin ang taniman ng marijuana ng komunistang grupo sa isinagawang operasyon sa kabundukan ng Brgy. Nalus, Kiamba, Sarangani kamakalawa.

Sa ulat ng PRO-12, bandang alas 6:15 ng umaga hanggang alas-7:15 ng gabi nang isa­gawa ang operasyon ng pinagsanib na elemento ng Kiamba Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Army’s 27th Infantry Battalion sa nasabing lugar.

Sinabi ni PNP Spokesman P/Col. Bernard Ba­nac, nakasagupa ng mga operatiba sa Brgy. Nalus ang grupo ng mga armadong rebelde sa pamumuno ni Kumander Gorio/Toto na tumagal ng 15 minuto hanggang sa magsitakas ang mga rebelde.

 Narekober sa engkuwentro ang isang 30 cal. carbine rifle, dalawang cal. 38 pistol, anim na bala ng cal. 38, isang bandolier na may walong magazine, 81 bala ng cal. 30, apat na cache ng container na naglalaman ng bigas at mga kagamitan sa kusina, mga subersibong dokumento at isang bandila ng NPA.

vuukle comment

MARIJUANA

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with