^

Probinsiya

3 sinuwag ng police car, malubha

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Malubhang nasugatan ang tatlong katao matapos tumbukin ng rumaragasang police car ang kanilang motorsiklo sa highway ng Brgy. Iringan, Allacapan, Cagayan kamakalawa. Sinabi ni PO3 Christopher John Tan na patungo siya sa kanilang himpilan sa katabing bayan ng Sanchez Mira nang biglang lumiko ang sinusundan niyang motorsiklo ni Benjamin Diaz Jr. 34. Sa lakas ng salpok ay tumilapon at nagpagulong-gulong sa kalsada si Diaz at mga pamangking mag-utol na sina Adrian, 12, at Elaine Fronda, 13, na isinugod sa isang pribadong hospital sa bayan ng Camalaniugan.Isinailalim na sa kustodya ng kanyang mga kabaro sa Allacapan Police si Tan matapos ang insidente.

vuukle comment

MOTORCYCLE ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with