^

Probinsiya

Empleyado ng money changer, sugatan sa holdaper

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Empleyado ng money  changer, sugatan sa holdaper

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines  —  Sugatan ang isang empleyado ng money changer matapos barilin at holdapin ng riding-in-tandem sa madilim na bahagi ng Felipe Vergara Highway, Barangay H. Concepcion Sr., ng lungsod na ito noong Sabado ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Nueva Ecija Doctors Hospital ang biktima na si Elmer de Guzman, 39, may-asawa, kawani ng RM Money Changer na nasa loob ng N.E. Pacific Mall at tubong Hagonoy, Bulacan dahil sa tinamong tama ng punglo sa dibdib.

Ayon sa pulisya, pauwi na ang biktima bandang alas-8:20 ng gabi, sakay ng Honda XRM motorcycle at kasama ang katrabaho na si Ma. Theresa Reyes, 39, dalaga ng Hagonoy, Bulacan, nang sila ay buntutan ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng hindi naplakahang motorsiklo. Nang tapatan na sila ng mga suspek ay tinutukan sila ng baril at inutusan sila na ibigay ang kanilang bag.

Nang mag-atubili umano si De Guzman na ibigay ang bag ay doon na siya pinaputukan ng maigsing baril ng isa sa suspek hanggang sa mapilitan ang biktima na ibigay ang bag na may lamang P5,000 cash, mga ATM cards, credit cards at ilang personal na gamit ng kasamahang si Reyes.

Tumakas patungong katimugang direksyon ang dalawang suspek.

vuukle comment

HOLDUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with