^

Probinsiya

P3.4-M shabu sa condom samsam, ‘pusher’ tiklo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P3.4-M shabu sa condom samsam, �pusher� tiklo
Kinilala ni PDEA Director Aaron Aquino ang suspek na si Jemmar Layaguin, 30, may-asawa na nakuhanan ng nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon na naka­silid sa apat na condom at nakabalot sa carbon paper.
PDEA RO VII - Central Visayas Facebook

MANILA, Philippines — Nabuking ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang drug pusher makaraang makumpis­kahan ng nasa P3.4-milyong halaga ng droga na nakalagay sa condom sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng isang convenience store sa Cebu City.

Kinilala ni PDEA Director Aaron Aquino ang suspek na si Jemmar Layaguin, 30, may-asawa na nakuhanan ng nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon na naka­silid sa apat na condom at nakabalot sa carbon paper.

Sa ipinadalang report ni  PDEA Region 7 Public Information Officer Leah Albiar kay Dir. Aquino, sinasabing sumailalim sa mahigit isang buwan na surveillance si Laya­guin makaraang makatanggap ng ulat sa pagbebenta nito ng droga.

Maingat at sad­yang ‘madulas’ umano si Albier kaya nahirapan ang mga ahente ng PDEA na mahuli ito.

Ayon kay Albiar, unang pagkakataon na nakasabat sila ng droga na tinangkang itago sa condom.

Aniya, sadyang gumagawa ng iba’t ibang paraan ang mga tulak ng droga mailusot lamang ang kanilang mga ilegal na gawain.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with