^

Probinsiya

Tunnel na mag-uugnay sa Ipo at Angat Dam, nakumpleto na

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Tunnel na mag-uugnay sa Ipo at Angat Dam, nakumpleto na
Ayon kay MWSS Head Technical Assistant Susanne Sta. Maria, nagpahiram ng 123 mil­yong dolyar ang Asian Development Bank o ADB sa MWSS para makapagbaon ng pang-apat na tunnel sa ilalim ng bahaging ito ng bulubundukin ng Sierra Madre.
MWSS Photo

NORZAGARAY, Bulacan, Philippines — Buo na ang pang-apat na higanteng lagusan o tunnel na nag-uugnay sa Ipo Dam at Angat Dam na bahagi ng proyektong Angat Water Transmission Improvement Project na inilunsad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS noong 2016.

Ayon kay MWSS Head Technical Assistant Susanne Sta. Maria, nagpahiram ng 123 mil­yong dolyar ang Asian Development Bank o ADB sa MWSS para makapagbaon ng pang-apat na tunnel sa ilalim ng bahaging ito ng bulubundukin ng Sierra Madre.

Aabot sa 6.4 kilometro ang haba ng inilatag na tunnel mula sa Bigte reservoir ng Angat Dam papuntang Ipo reservoir. Padadaliin ng proyektong ito ang paghahatid ng suplay ng tubig mula Angat Dam patungong Metro Manila, Rizal, ilang bahagi ng Cavite at paghahanda na rin sa kabuuang operasyon ng Bulacan Bulk Water Supply Project. 

Sa pagkukumpleto ng proyekto, kaya nitong makapagbomba ng 19 cubic meters per second na tubig na katumbas ng 1.6 milyong litro kada araw. 

Magiging alternatibong lagusan din ang pang-apat na tunnel kapag isinara ang tatlong lumang tunnel ng Angat Dam upang kumpunihin. 

Dahil sa istratehiyang ito, hindi mapuputol ang suplay ng tubig sa nabanggit na mga lugar dahil patuloy na dadaloy ang tubig sa pamamagitan ng ikaapat na tunnel. 

Ang Angat Dam ay nagsusuplay ng 95 por­syento ng panga­nga­ilangan sa tubig ng buong Kalakhang May­nila. Nakakarating ang tubig patungo sa mga distributor nitong Maynilad at Manila Water, na pawang mga pribadong konses­yonaryo ng MWSS sa pamamagitan ng Ipo bilang transmission dam.

vuukle comment

ANGAT DAM

IPO DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with