^

Probinsiya

Laklakan nauwi sa rambol sa binyagan: Ninong utas

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dahil sa sobrang kalasingan, nauwi sa rambulan ang laklakan ng magkukumpare sa isang binyagan na ikinamatay ng isang ninong sa Brgy. Agaman Norte, Baggao, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Jabes Cocoy, 28, isa sa mga tumayong ninong sa anak ni Rodolfo Domingo.

Pinaniniwalaang aga­wan sa pulutan na nauwi sa rambulan ng magkukumpare ang dapat sanang masayang inuman dakong alas-3:00 ng hapon.

Dahil sa mga nagli­parang upuan at bote ay nagpulasan ang mga bisita sa takot na ma­damay sa gulo at nang humupa na ang tensiyon ay nakita na lamang si Cocoy na duguang nakahandusay sa lupa na may nakatarak na
kutsilyo sa dibdib.

Sinikap isugod ng mga sumaklolo ang biktima sa Baggao District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Sinabi ni PO3 Eufracio Cabang na iniisa-isa nila ngayong sinisiyasat ang iba pang kumpare at bisita sa binyagan upang matukoy ang pumatay kay Cocoy.

vuukle comment

CAGAYAN CRIME SCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with