^

Probinsiya

Rider salpok sa trak, tigok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos bumangga ang sasakyan nitong motorsiklo sa kasalubong na trak sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone-6, Brgy. Matacon sa bayan ng Polangui, Albay, kamakalawa ng umaga.  Ang nasawi ay kinilalang si Melvin Flores, residente ng Brgy. Peñafrancia sa Naga City, Camarines Sur habang patuloy na inoobserbahan ang angkas na si Ashley Donnabelt. 

Sa ulat, dakong alas-9:20 ng umaga, magkasalubong na binabaybay ang highway ng motorsiklo (4427-EZ) ng mga biktima at ng truck (RML-623) na minamaneho ni Rene Mangampo, 38-anyos, nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ang rider kaya napunta sa kabilang linya at sumalpok sa trak. Sa lakas nang banggaan tumilapon pa ng ilang metro ang mga biktima. Agad naman silang sinaklolohan at isinugod sa ospital pero di na umabot nang buhay si Flores.  Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng trak at sinampahan ng kaso.  

vuukle comment

CRIME

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with