^

Probinsiya

Hepe, 6 pang parak nahuli na natutulog, absent sinibak

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pitong pulis-Cavite kabilang ang isang station commander ang sinibak sa puwesto matapos na maaktuhang natutulog sa presinto at hindi nakasuot ng tamang uniporme habang tatlo sa kanila ang absent sa oras ng kanilang duty sa isina­gawang surprise inspection sa iba’t ibang himpilan ng kanilang opisyal kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Sr. Supt William M Segun, Cavite Provincial director ang mga pulis na sina PO2 Marife Flores na absent sa nasabing inspection sa Kawit Police Station, SPO1 Miguel Aquintey, PCP commander na nahuling tulog sa oras ng duty;  PO1 Mark Capili, hindi naka-uniform sa duty; PO1 Lubigan, Duty PNCO, absent  sa oras ng duty, pawang mga pulis ng Gentri CPS;  PO1 David,  desk officer; PO2 Ahvegail Darang, duty investigator, PO1 Mary Grace Teves, duty SDO;  pawang mga tulog sa oras ng duty sa Rosario Police Station. 

Sa nakalap na report mula kay Col Segun, isang surprise inspection ang kanyang isinagawa sa bawat istasyon ng kapulisan sa lalawigang ito ganap na alas 2:00 ng madaling araw. 

vuukle comment

CAVITE PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with