^

Probinsiya

Tserman, 1 pa patay sa ambush

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang brgy. chairman ang nasawi makaraan silang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek lulan ng SUV sa highway ng Brgy. Mataas na Lupa, Taysan, Batangas nitong Lunes ng umaga.

 Kinilala ang mga nasawi na sina Rolly Loredo, 39-anyos, kapitan ng Brgy. Mataas na Lupa at Reynan Garbin, 29, walang hanapbuhay at residente rin sa lugar.

 Sa ulat na tinanggap ni Calabarzon Provincial Director P/Chief Supt. Edward Carranza, dakong alas–8:30 ng umaga, kasalukuyang lulan ang mga biktima ng kulay puting Toyota Wigo na may conduction sticker A1 D584 at bumabagtas sa nasabing highway patungo sa Brgy. Mataas na Lupa nang harangin ng mga armadong suspek pagsapit sa lugar.

 Ang mga suspek ay sakay ng kulay puting Toyota Innova na walang plaka na nag-overtake sa mga biktima.

 Ayon sa pahayag ng mga testigo, isa sa mga suspek na nasa backseat ng Toyota Innova ay armado ng mahaba at malakas na uri ng kalibre ng baril ang siyang direktang rumatrat sa mga biktima na kapwa nasawi sa insidente.

 Sinabi nito na ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Rosario, Batangas.

vuukle comment

AMBUSH

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with