5 ‘tulak’ nalambat sa drug ops
MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Limang pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga ang nalambat ng mga operatiba ng Bulacan Police sa magkakahiwalay na buy-bust operation kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Sr. Supt Chito Bersaluna ang mga naarestong suspek na sina Rodolfo Luis, 38, nasa drug watchlist ng Bustos Police; Moises Loria Salvador, 26, nasa drug watchlist ng Marilao Police; Noel Correa, 23, nasa drug watchlist ng San Ildefonso Police; Jomer Pascual, 32, at Roberto de Guzman, 44. Nalambat ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad at nakumpiska sa kanila ang 13 plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.
- Latest