^

Probinsiya

Mister inutas habang nanonood ng TV

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Duguang bumulagta sa harap ng telebisyon ang isang  40-anyos na mister matapos pasukin at pagbabarilin ng di nakilalang gunman habang nanonood sa kanilang balkonahe sa Sitio Medalla, Brgy. San Vicente sa bayan ng Jovellar kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Bobby Bagangan Nuyda,residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi kampanteng nakaupo at nanonood ng telebisyon ang biktima sa kanilang balkonahe ng biglang pumasok ang hindi nakilalang armadong lalaki at pinagbabaril ito. Makaraang bumulagta agad tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkakakilanlan at motibo sa pamamaslang ng suspek.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with