^

Probinsiya

Nambugbog sa 3-anyos, arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Nambugbog sa 3-anyos, arestado
Sa pangunguna ni P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas Police, nadakma si Bernadette Espina na mas kilala sa tawag na “Bugbog Berna”, ng B-130 Lot 32, Phase 1, Mabuhay City, Brgy. Paliparan 3.
File Photo

CAVITE, Philippines — Isang 19-anyos na madrasta na naging kontrobersyal matapos na bansagan na “Bugbog Berna” dahil sa panggugulpi sa kanyang 3-anyos na anak-anakan ang dinakip na ng pulisya matapos na babaan ng korte ng warrant of arrest kahapon sa Brgy. Paliparan, Dasmariñas City.

Sa pangunguna ni P/Supt. Nerwin Ricohermoso,  hepe ng Dasmariñas Police, nadakma si Bernadette Espina na mas kilala sa tawag na “Bugbog Berna”, ng B-130 Lot 32, Phase 1, Mabuhay City, Brgy. Paliparan 3. 

Ayon kay Col. Ricohermoso, inaresto si Espina, dakong alas-7:30 ng umaga matapos na ibaba ni Acting Presiding Judge Niven Canlapan, ng RTC Branch 90 sa kasong paglabag sa R.A 7610 (child abuse) ang arrest warrant laban sa kanya dahil sa kasong pambubugbog sa paslit na anak ng kanyang kinakasama na nag-viral sa social media.

Kumalat ang video ng pambubugbog ni Espina kung saan halos malamog ang mukha ng bata sa tindi ng inabot nito sa kamay ng madrastang suspek. 

Nailabas pa ito sa programang “Raffy Tulfo in Action” kung saan ikinatuwiran ng  suspek na masyado umanong makulit ang bata kung kaya paminsan-minsan ay napapalo umano nito at kasabay pa umano noon ng kanyang paglilihi.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with