^

Probinsiya

Vendor todas sa 4 magkakaanak

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Vendor todas sa 4 magkakaanak

Binugbog saka binaril

TALAVERA, Nueva Ecija , Philippines  —  Nasawi ang isang chicharon vendor matapos na pagtulungang bugbugin at barilin pagkatapos ng apat na magkakaanak na lalaki sa Brgy. San Pascual ng bayang ito, noong Miyerkules ng gabi.

Hindi na umabot pang bu­hay sa pagamutan ang biktimang si Jeffrey Navarro, 32, may-asawa ng Brgy. San Pascual ng nasabing bayan.

Ayon sa Talavera Police, tatlo sa mga suspek ang naaresto at nakilalang sina Benito Rivor Sr., alyas “Bennie”; Marlon Rivor, 25, binata, may live-in partner, isang vendor; at Ronnel Rivor alyas “Ron-Ron”, 23, may-asawa, isa ring vendor, pawang mga residente ng Purok 3, Brgy. San Pascual, Talavera.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang nakatakas na isa pang suspek na si Benito Rivor Jr, alyas “Dayong”, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat dakong alas-11:45 ng gabi, pauwi na ang biktima sa kanyang bahay sakay ng tricycle nang bigla umanong sumulpot ang apat na suspek na sakay rin ng isang tricycle. Sa puntong iyon, napatigil ng mga suspek ang pag-arangkada ng tricycle ng biktima at doo’y nagkasagutan ang dalawang panig.

Dito na binugbog ng mga suspek ang biktima hanggang sa isa sa mga suspek ang nagpaputok ng baril at tinamaan ang biktima sa kanyang katawan.

Nabatid na matagal nang alitan ng magkabilang panig ang ugat ng insidente.

Sinampahan na ng kasong murder ang mga suspek.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with