^

Probinsiya

Girian sa dagat: Mangingisda utas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Girian sa dagat: Mangingisda utas
Napuruhan ng punglo sa katawan ang biktimang si Joan Aristoteles Bantilo, ng Brgy. Tinigban, Carles, Iloilo habang tinutugis na ang tatlong hindi nakilalang suspek.
File Photo

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang 35-anyos na mangingisda matapos pagbabarilin  ng tatlong nakaalitang lalaki na sakay din ng bangka makaraang magkagirian sa baybayin ng Brgy. Pu­landuta sa Balud, Masbate kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa katawan ang biktimang si Joan Aristoteles Bantilo, ng Brgy. Tinigban, Carles, Iloilo habang tinutugis na ang tatlong hindi nakilalang suspek.

Dakong alas-6 ng gabi, habang sakay si Bantilo at kanyang mga “crewmember” sa kanilang bangkang “F/B Jaira” nang sa hindi pa malamang dahilan ay nakaalitan ng biktima ang mga suspek na lulan din ng isa pang bangkang de-motor na may marking na “F/B Jocel”. Gayunman, habang nakikipagtalo, biglang bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril ang mga suspek at pinutukan ang biktima na tinamaan sa katawan.

Tumakas ang mga suspek habang isinugod sa Jesus Colmenares Memorial District Hospital Balasan, Iloilo ang biktima pero namatay habang ginagamot.  

vuukle comment

FISHERMAN SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with