^

Probinsiya

Jeep nawalan ng preno: 10 sugatan

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Umabot sa mahigit 10 pasahero ng isang pampasaherong jeep ang sugatan matapos na mawalan ng preno at sumalpok sa isang poste sa kahabaan ng Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4, Dasmariñas City kamakalawa.

Walo sa mga biktima na duguan at isinugod sa pagamutan ay nakila­lang sina Lyxrian Faustino, 17-anyos; lola nitong si Catherine Faustino, 60-anyos; Rossana Vasquez, 47-anyos; Reuben John Arcabal, 21; Regine Destacamento, 27; May Ann Gelito, 33; Diana Dayrit, 30, at  ang baby nito na si Ma. Chelsea Sofia Dayrit, 2-taong gulang. Bahagya ring nasugatan ang driver ng jeep na nakilalang si Luciano Orquesta , 39 anyos, ng  Blk F7 Lot 9, Brgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City. 

Ayon kay P/Supt Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya rito, alas-11:45  ng umaga habang bumabagtas ang pampasaherong jeep na may plakang DWZ-213 sa  Mangubat Avenue, Brgy. Zone 4 sakay ang may mahigit sa 10 pasahero nang hindi kumagat ang preno ng sasakyan pagsapit sa  may intersection kung kaya tuluy-tuloy itong rumampa sa center island bago sumal­pok sa poste na nasa gilid ng kalsada.

Malalakas na sigawan at iyakan ang naganap at nagkagulo ang mga bystander at kapwa mga driver ng mga kasabayang pampasaherong jeep na agad tumulong at tumawag ng rescue. 

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with