^

Probinsiya

3-anyos patay sa hostage drama!

Jorge Hallare, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
3-anyos patay sa hostage drama!

Suspek utas din

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 3-anyos na totoy matapos pagsasaksakin ng kanyang lolo na pinaniniwalaang nawala sa katinuan o nasa impluwensya ng droga makaraang i-hostage sila ng kanyang ina na isang guro sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Poblacion 2, Mobo, Masbate kahapon ng umaga.

Nasawi habang nila­lapatan ng lunas sa Masbate Provincial Hospital dahil sa saksak sa dibdib ang batang si Christ Jerome Bolon Uy habang nakaligtas ang kanyang nanay na si Rovelyn Bolon Uy, 28-anyos, isang public school teacher.

Napatay naman ng mga rumespondeng pulis ang hostage taker na si Magdaleno Bolon Bustamante, tiyuhin ni Rovelyn at lolo ng bata.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang biglang pumasok ang suspek na armado ng kutsilyo sa kuwarto ng mag-ina. Nagsisigaw ang suspek at nagbantang papatayin ang mag-ina kung hindi ibibigay ng kanilang mga kaanak ang kanyang hinihingi.

Agad na rumesponde ang mga operatiba ng Mobo Municipal Police Station at Special Wea­pons and Tactics (SWAT) sa nasabing lugar at ilang oras na nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng mga pulis at  suspek hanggang sa umabot ng pasado alas-8 ng umaga.

Gayunman, sa gitna ng ginagawang negosasyon, bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang paslit kaya napilitan na ring pasukin ng mga pulis ang bahay at barilin ang nasabing hostage taker. Ligtas na nailabas ng mga pulis ang nanay ng bata sa bahay habang isinugod ang huli sa nasabing ospital.

Nabatid na galing sa Maynila ang suspek at kadarating lang niya sa Masbate nang mangyari ang insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with