^

Probinsiya

16-anyos lookout ng mga tulak kapalit ng libreng batak

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang 16-anyos na Grade 7 student ang kasama sa mga naaresto ng mga operatiba ng General Trias City Police matapos na umaktong “lookout” ng mga tulak ng droga kapalit ng libreng pagbatak ng shabu sa isinagawang drug bust ope­ration sa Stateland, Brgy. Manggahan, nasabing lungsod kamakalawa.

Sa ulat ni Police Supt. Paul Bometivo, hepe ng pulisya ng lungsod, kinilala ang mga nadakip na drug suspect na sina Michael Antiola, 49 anyos, may nakabinbing kaso na sexual assault in relation to RA 9262 at PUC o violation of Sec 11 & 12 RA 9165; Alvin Sarzate, 41; Menard Bolor,  28; Ryndon Jayvee Baladad, 24, na kakalabas lang din sa kulungan sa kasong droga at ang Grade 7 student na itinago sa pangalang Jay-jay;  pawang residente ng  Bella Vista, Brgy. Santiago at Brgy. Manggahan ng lunsod na ito. 

Ayon kay Bometivo, alas-5:00 ng hapon nang ikasa nila ang drug bust laban sa mga suspek. Nagsilbi umanong lookout ang Grade 7 student  habang isinasagawa ang buy-bust sanhi upang madakip din ng pulisya. 

Sa interogasyon kay Jay-jay, nabatid na libreng pagbatak ng droga ang bayad sa kanya sa pagiging lookout mula sa mga kasamahang tulak. 

Nakumpiskahan ang mga suspek ng 8 plastic sachet ng shabu na nasa 2 gramo at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with