^

Probinsiya

AWOL na parak, SK kagawad timbog sa drug den

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng apat na katao kabilang ang isang AWOL na pulis at SK kagawad nang masakote ng mga otoridad sa isinagawang drug-bust operation sa isang bahay na sinasabing ginawang drug den sa Brgy. Alima, Bacoor City, ng lungsod na ito kama­kalawa ng gabi.

Ang mga natimbog na suspek ay sina Jerome Canlea, 32, miyembro ng PNP at matagal nang AWOL, kasalukuyang safety officer sa isang construction site; Eric Navas, 21, SK kagawad ng Brgy. Banalo, sa naturang lungsod; Jayson Guilas, 35; at Elino Calara, 50.

Nakatakas naman sa nasabing operasyon ang isa pang suspek na si Federicko Felizardo, residente ng  Brgy. Alima.

Sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa supek sa naturang lugar na sinasabing ginawa umanong drug den.

Isang parak ang tuma-yong buyer kung saan sa kalagitnaan ng transaksyon ay nagpositibo ang mga suspek sa iligal nilang gawain.

Nang magkaabutan na ng droga ay dito na ito dinakma ng mga nakaabang na pulis ang mga suspek habang nakatakatas naman si Felizardo.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with