^

Probinsiya

Lola nasalpok ng jeep, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —   Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 65-anyos na lola matapos araruhin ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid sa kahabaan ng Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor City kahapon. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Janita Jimenez, residente ng #17A Marianos Apartment, Sapang Bakaw Street, Lawang Bato, Valenzuela City. 

Sa imbestigasyon ni P03  Francis Mark Cortez, may hawak ng kaso, alas-5:00 ng madaling araw habang tumatawid ang biktima sa nasabing lugar nang masalpok ng paparating na pampasaherong jeep na minamaneho ni Cesar Ramirez, 50-anyos ng  #55 Kalugdan Compound, Brgy. Ligas 3, Bacoor City, Cavite. 

Pagkasalpok sa biktima ay pumailalim pa sa nasabing jeep at sa halip na huminto ang driver ay mabilis nitong binuwelta ang kanyang sasakyan at sumibat.

Gayunman, dumiretso na sa police station ang suspek at dito sumuko dahil sa takot umano niya na baka kuyugin ng mga bystander sa nasabing lugar.

vuukle comment

ACCIDENT

HIT BY JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with