^

Probinsiya

Pulis utas, 1 pa sugatan sa patrolya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi habang isa pa niyang kabaro ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang apat na armadong kalalakihan, habang nagpapatrolya sa Brgy. Sumpong, Malaybalay City, Bukidnon nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Supt. Surki Sereñas, spokesman ng Northern Mindanao Regional Police ang nasawing biktima na si PO3 Jerry Tropel na napuruhan ng tama ng bala na siya nitong dagliang ikinamatay samantalang isinugod sa pagamutan ang kanyang kasamang si PO1 Rene Caña upang malapatan ng lunas.

Sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi habang nagpapatrolya ang dalawang pulis laban sa street crimes  sa nasabing lugar nang biglang umatake ang apat na lalaki na pawang armado ng M16 rifles at cal. 45 pistol at bigla na lang silang paulanan ng bala.

Kinondena ni Chief Supt. Timoteo Pacleb, director ng Police Regional Office (PRO)-10 ang nasabing pag-atake laban sa “night patrol duty policemen”.

Kaugnay nito, inako naman ng NPA rebels ang pag-atake sa nasabing mga pulis.

“Investigators have narrowed down to a number of persons of interest based on the statement of the wounded victim. Although the NPA already owned up, there will still be investigation to identify the suspects and file charges against them,” pahayag naman ni Bukidnon Police Provincial Police Office (PPO) Director Benedicto Pintor.

vuukle comment

COP SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with