^

Probinsiya

Trike vs. SUV: 1 tigok, 1 kritikal

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija  , Philippines  —   Isa ang nasawi habang isa ang sugatan matapos sumal­pok ang kanilang sinasakyang tricycle sa poste ng kuryente makaraang mabundol ng isang humahagibis na sports utility vehicle (SUV) sa kahabaan ng Circumfe­rential Rd, Brgy. San Juan Accfa ng lungsod na ito, noong Huwebes ng gabi.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang biktimang si Rosendo Pascual Jr., 59, may-asawa, habang patuloy na inoobserbahan ang kritikal na kalagayan ng sugatang si Lerma Bunao, 51, house keeper; pawang mga residente ng naturang lugar

Nakilala naman ang drayber at may-ari ng na­kabundol na Toyota Rav4 (CRM-439|) na si Romeo Casares, 30, may-asawa, isang nurse at residente ng Brgy. Bangad ng lungsod na ito.

Sa imbestigasyon, dakong alas-11:20 ng gabi, magkasalubong na binabagtas ng tricycle na minamaneho ni Pascual at ng SUV ang naturang kalsada nang bigla umanong okupahin ng SUV ang linya ng tricycle sa kalsada na nagresulta sa salpukan ng dalawang sasakyan.

Sa lakas ng salpukan ay tumilapon ang trike at bumangga pa sa isang poste ng kuryente.

Naisugod naman agad sa pagamutan ang mga biktima ngunit nasawi rin si Pascual habang ginagamot, samantalang patuloy ang obserbasyon sa malubhang kalagayan ni Bunao.  

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

SPORTS UTILITY VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with