^

Probinsiya

2 ‘tulak’ bulagta sa drug ops

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga , Philippines — Patay ang dalawang hinihinalang “drug peddlers” na nasa drug watchlist makaraang umano’y manlaban sa mga operatiba ng Lubao at Mabalacat City Police sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Brgy. San Juan, Lubao, at Brgy. Sto Rosario Mabalacat City kamakalawa.

Sa ulat sa tanggapan ni Supt. Jerry Corpuz, hepe ng Lubao Police Station, kinilala ang napatay na suspek na si Darwin Vitug, 39, ng Brgy. San Roque, Guagua, Pampanga. Isang pulis na nagsilbing poseur buyer ang umiskor sa suspek ng shabu.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek kung kaya tumakbo ito at pinaputukan ang pulis subalit sumablay. Nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa mapatay ang suspek. Patay din ang isang hinihinalang drug peddler na si Richard Nicdao, ng Brgy. Sto Rosario, Mabalacat City, Pampanga matapos na manlaban umano sa drug operation ng pulisya.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with