^

Probinsiya

Bacoor drug raid: 1 utas, 10 timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bacoor drug raid: 1 utas, 10 timbog

CAVITE  , Philippines  —   Bulagta ang isang 47-anyos na lalaki na target ng operasyon makaraang umano’y manlaban sa mga awtoridad habang 10 pang drug suspect ang naaresto sa isi­nagawang pagsalakay kamakalawa ng hapon sa Brgy. Talaba 4, Bacoor City. 

Kinilala ni Police Supt Vicente Cabatingan,  hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang napatay na suspek na si Gregorio Ugali alyas “Ube”, ng # 248 Aguinaldo Hi-way, Brgy. Talaba-4, Bacoor City at bagong gra­duate lang ng Stamp and Sipag program. 

Sa ulat, ala-1 ng hapon nang magkasamang nilusob ng Intel operatives ng Bacoor City Police at PDEA-4A ang hideout ng suspek sa Aguinaldo Highway, Brgy. Talaba-4, bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng RTC Fourth Judicial Region Branch 32 sa San Pablo City, Laguna, laban sa suspek.

Nang madatnan ng mga pulis si Ube sa lugar ay bigla umanong nagtatakbo sanhi ng ilang minutong habulan. Pinaputukan pa ang mga pulis na nauwi sa engkuwentro at ikinabulagta ng suspek.

Naaresto naman ang 10 pang katao na sangkot din umano sa pagtutulak ng ilegal na droga sa lugar.

Nakuha sa crime scene ang may 10 plastic sachet ng shabu at 1 cal. 9mm pistol Norinco, 1 magazine, 5 fired cartridge case ng cal. 9mm, 1 fired cartridge case ng cal. 40 at 11 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. 

vuukle comment

ARRESTED

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with