^

Probinsiya

P11-M smuggled cigarette nasabat sa barko

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P11-M smuggled cigarette nasabat sa barko

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga sundalo ng Philippine Navy matapos nilang masabat ang tinatayang P11 milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo sa isang pampasaherong barko sa Zamboanga International Port noong Sabado.

Ayon kay Rear Admiral Rene Medina, commander ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), ang pagkakakumpiska sa naturang kontrabando ay dahil sa joint enforcement operation ng tropa ng pamahalaan laban sa illegal drugs at anti-smuggling activity.

Nakumpiska ng mga otoridad ang may 12,640 rims ng imported at iba’t ibang brand ng sigarilyo na sakay ng MV Kristel Jane 3, isang passenger vessel na nagmula sa Jolo, Sulu.

Sinabi pa ni Medina na ang mga nakumpiskang produktong tabako ay dadalhin sa Bureau of Customs para sa safekee­p­ing at pro­per disposition.

Idinagdag pa ng opisyal na ang matagumpay na pagkakadiskubre sa mga ipinuslit na sigarilyo ay resulta ng pinaigting na maritime patrol at operasyon ng Navy sa pakikipag-ugnayan na rin sa iba’t ibang law enforcement agencies.

vuukle comment

SMUGGLED CIGARETTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with