^

Probinsiya

P48-M shabu samsam sa buy-bust!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P48-M shabu samsam sa buy-bust!
Sa ulat ng Mandaue City Police, kinilala ang nasakoteng suspek na si Charlie Fortuna, 24-anyos.

Drug trafficker natimbog

MANILA, Philippines — Umiskor ang anti-drug operatives makaraang ma­aresto ang isang pinaghihinalaang bigtime drug trafficker na nagresulta sa pagkakasamsam ng pitong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P48 milyon sa buy-bust operation sa isang subdibis­yon sa Mandaue City, Cebu nitong Biyernes ng gabi.

 Sa ulat ng Mandaue City Police, kinilala ang nasakoteng suspek na si Charlie Fortuna, 24-anyos.

 Bandang alas-11 ng gabi nang isagawa ang anti-drug operation laban kay Fortuna sa subdibisyon sa lugar kung saan nagpapatayo ang suspek ng bagong bahay na nagkakahalaga ng P17 milyon.

 Nabatid na isang undercover agent ang nakipag-deal at bibili ng 25 gramo ng shabu sa suspek. Habang iniaabot ang droga, tinanong ng poseur buyer si Fortuna kung marami pa siyang supply kaya sinabi ng suspek na pumunta sila sa isang bahay sa nasabing subdibisyon kung saan nito itinatago ang mga droga na kanyang ibinebenta.

 Tatlong kilo pa ng shabu ang ipinakita ng suspek sa poseur buyer bunsod upang arestuhin ito. Nang halug­hugin ang bahay nito ay tumambad pa ang maraming droga na umaabot lahat sa 7 kilo na may katumbas na halagang P48 milyon. 

vuukle comment

DRUG TRAFFICKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with