^

Probinsiya

4 ‘pusher’ tumba sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Apat na hinihinalang drug pusher ang nasawi makaraang umano’y manlaban sa pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa lalawigan noong Pebrero 6 at 7.

Sa ulat ng tanggapan ni P/Senior Supt. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police Provincial director, nakilala ang apat na suspek na nasawi sa tatlong magkakahiwalay na buy-bust operations na sina Rodel Sibayan, 45-anyos, may-asawa, isang cons­truction worker ng Brgy. D.S. Garcia, Cabanatuan City, Nueva Ecija; Roel Hipolito, 44, may-asawa ng Brgy. San Fernando Sur, Cabiao; Adel Roll Milan ng San Isidro, Nueva Ecija, at isa pang lalaki na inaalam ang pangalan.

Nasawi si Hipolito sa engkuwentro noong Pebrero 6, bandang alas-7:30 ng gabi sa Brgy. San Fernando Sur, Cabiao sa buy-bust ng Cabiao Police.

Bumulagta naman si Sibayan nang manlaban umano sa mga kagawad ng San Leonardo Police sa Nagaño St., Brgy. Mambangnan, San Leonardo,  bandang alas-5:20 ng umaga noong Pebrero 7. Narekober dito ang isang caliber 38 revolver, isang P500 bill at isang plastic  sachet ng shabu.

Napatay din si Milan at isa pang ‘di kilalang lalaki ng Gapan City Police sa buy-bust operation sa Brgy. Sto. Cristo Norte, Gapan City bandang alas-4 ng madaling-araw noong Peb. 7.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATIONS

DRUG PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with