‘Drug peddler’ huli sa droga, boga
ANGELES CITY, Philippines — Arestado ang isang lalaki matapos magsagawa ng anti-illegal drug operation ang pinagsanib na puwersa ng Angeles City Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Angeles, Martes ng madaling araw.
Sa ulat sa tanggapan ni P/Chief Inspector Fercel Delloria, hepe Police Station 2, kinilala ang suspek na si Ernesto De Leon, 38,residente sa nasabing barangay. Inaresto ang suspek dakong alas-4:30 ng umaga matapos magsilbing poseur buyer ang isang pulis. Nasamsam sa suspek ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang cal. 38 na baril, isang Yamaha motorcycle at P500 marked money.
- Latest