^

Probinsiya

Supplier ng droga tiklo sa P.2-M shabu

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —   Isang trike driver na pinaniniwalaang supplier at bigtime tulak ng shabu ang nadakma ng pulisya matapos na masamsaman ng halos P.2 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation na sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City. 

Kinilala ni P/Supt. Nerwin Ricohermoso,  hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang suspek na Jalalodin Guro, 29-anyos, tricycle driver, tubong  Lanao Del Sur at  residente ng Blk. 10 Lot 15, Brgy H2, Dasmariñas City, Cavite.

Sa panayam kay Col. Ricohermoso, nakatanggap sila ng tip sa ‘di nagpakilalang concerned citizen hinggil sa diumano’y pagsusuplay at pagbebenta ng shabu ng suspek sa kanilang lugar. 

Dahil dito, alas 2:00 ng madaling araw nang ikasa ng Dasmariñas City Police ang buy-bust kasama ang grupo ng PDEA. Isang pulis ang nagpanggap na tricycle driver at umiskor sa suspek. Habang isinasagawa ang transaksyon ay dito na pinaligiran ang suspek ng mga pulis at nakuha rito ang may 4 na plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na tumi­timbang sa mahigit kumulang sa 30.53 gramo at nagkakahalaga ng P198,445.00 . 

Nakuha rin sa suspek ang drug money at mga drug paraphernalia. 

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with